top 100
·
top new
·
updates
·
submit lyrics
#
A
B
C
D
E
F
G
H
I
J
K
L
M
N
O
P
Q
R
S
T
U
V
W
X
Y
Z
Correct Kawayan Lyrics
Lyrics
►
Artists: C
►
Calix
►
Correct Kawayan
Artist:
Song:
Comment:
Lyrics:
[Calix] Sinong binilog mo, boy? (Sinong binilog mo, boy?) Di mo kayang ikutin ang lawak ng mundong ginagapang ko, habang apoy Sa puso at kaluluwa tumutulak sakin para lang hakbang ay ituloy Sa araw-araw ang agahan ay sugat, mata ko ay namulat sa realidad Kaya sinong binilog mo boy? (Sinong binilog mo, boy?) Sikmura, dibdib, at bungong pinatibay Ng bagyong sumalanta sa aking buhay Lahat ng bira sa akin ay hindi tatabla kaya wag mong subukan Anino ka lang na gawa ng ilaw, ako ang kadiliman ng sanlibutan Kaharian ng mga peke lang ang galawan. Walang namang laman Ako ang masong gigiba ng marurupok ninyong pundasyon, para magka-alaman Nakuha nyo lamang ng pera, hirap pawis dugo ang aming pinuhunan Kayo yung mga lobong matatas ang lipad, kami yung mga lobo na pangil ay duguan Mga ginintuang leeg kuno, koronang suot-suot ng mga ulo nyo Pag tinabas ang balat ay lalabas na tanso lang pala ang laman nito Mga huwad na nga, mga halang pa ang kaluluwa Di nyo kami mapapatumba, kami ang kawayan sa bagyo ninyong mala amihan [Koro - 8-bitfiction] Ako ang buwan na iyong tinitingala Ang tala at iyong kinatatayuan At kung ako'y sinisinta na may galit sa'yong mga mata Kailan pa man ay di kita manlang naramdaman [Goriong Talas] Sinong ginago mo, boy? Lunod at lubog sa kumunoy, giba! Ulo, gitna't baba. Butas ang lahat ang laro ay pusoy Sunog at lapnos dala naming apoy, wikang nagpapadugo ng diwa Ito'y balinguyngoy, di ka makakalabas sa pinto na Kinandado sobrang delikado mga duplikado sa loob ng kwarto Kargadong mga edukadong pagtumodas mas mabilis pa Sa alas-kwatro impunto Galawa'y eksato Eksperto sa metro Birador sa engkwentro! Kaya dagit sa karit ng galit at lait ng kalawakan Ang sabit na kawit napunit, naipit sa bingit ng kababawan Di kaya sabayan at mapantayan, aabangan at tatambangan Ang kamalayan ay natabangan kasi lalim ko't tubig sa pantabangan Ito ang misteryo, komplikadong konsepto na dinisenyo ng mga henyo Mata ng utak ang tanging sanktuwaryo Buhay na panaginip ang aming imperyo Hinulma ng lumang sentenaryo Marami pang bilog, para bang rosaryo Halat kami hubog, di nyo magagago, hoy! [Koro - 8-bitfiction] [Batas] Sinong binilog niyo, hoy Ako'y espesyal habang lahat abnoy Kayo'y ulo ng kultong nasiraan, chong Kahulugan nun malabo, manalo Nakakatimang yan para bang pinaslang Kaya ko magpaiyak ng bato Sibak lang kayo (Sibak lang kayo) Mga bara ko pag niranas 'tol Parang palakol, iba pakiramdam Parang kabilang kamay ang ipang-jajakol Romano kayo na sundalo kung susumahin Kasi nga palad lang ang nakakayan ninyo Na butasin Sangalan ng diyos ama, hesus, anak At espirito santo. Amen Kahit may mali sa hirit ay nakakabilib Maski di kayo umamin Papel ko nasa biblya, kayo na ang magbalot Pero tuhod ko ang titigas Pag may tamaan tiyak sabog 'gat ako lang mag-sisiga Sinindihan na ang damo Walang awat sa paninipa, ako'y askal kung mag laro Batas pangalan ko (yeah) at alam nyo yun Siguradong gago, Illustrado kamo Basag mga mukha nyo sa mga linyang may kamao! [Koro - 8-bitfiction] [Sayadd] Sino ba ang kausap mo? Baka sya ay kausap din Ng mga naka-usap ko, saan ka nga ba dadalhin? O? Ano nga bang gagawin? Hindi ko tanda Hindi nga ba talaga o baka hindi ka handa? Na saluhin aking ninanais Makatanggap ng di mo ninais Pagkukulang mo sa gulang Yaang kulang mo lumabis Natural ka na mapapanis kung kapital mo tanging laway At ako'y hindi parin mauuga sa aking hanay May medyo katulad, medyo hawig. Medyo, oo, medyo Lahat ng yan ay gunini, maliit lamang na dibidendo Walang medyo ako kung hanap ninyo ay depekto sa disenyo Mas gumagana ako sira Sira walang remedyo At hindi mo narin naman hahangarin Na maging normal ako pagka't yaan Ay mangyayari lamang pag sumayad na lahat Walang limitasyon ang walang sukat Walang hangganan, walang simula Ang sanhi laging namumunga, walang makakawala
add rows