[Verse 1]
Sa iyong paghawak ng kamay, napaibig mo ako
Matamis na yakap sa ‘king likod, napatunaw mo ako
Ngunit nung lumipas mga buwan, bumibitaw ka na
At nalaman ko, may kasama ka ng iba

[Pre Chorus]
Mas matamis at mahigpit ang yakap mo sa kaniya
Ang hirap pala maging isang tanga

[Chorus]
Salamat na lang sa pansamantalang pag ibig mo sa ‘kin
Salamat na lang at napasigla mo ng kahit saglit ang aking damdamin

[Verse 2]
Napapanaginipan kita, gumigising nalulumbay
Pag-asa ko sayo’y nawawala ng utay-utay
Alam mo bang nasusugatan mo ang puso ko?
Eto naman ako naging isang hangal, para sa’yo, para sa’yo

[Chorus]
Salamat na lang sa pansamantalang pag ibig mo sakin
Salamat na lang at napasigla mo ng kahit saglit ang aking damdamin
Ang puso kong ito ay nabibigo, ngunit hindi ko ito maipipilit sa‘yo
Dahil walang magagawa, kung talagang ayaw mo na

Bahala na, pero salamat na lang

[Bridge]
Bakit ba ako, napaniwala sa iyo?
Alam namang imposibleng totoo
Imposibleng totoo

[Chorus]
Salamat na lang sa pansamantalang pag ibig mo sakin
Salamat na lang at napasigla mo ng kahit saglit ang aking damdamin
Ang puso kong ito ay nabibigo, ngunit hindi ko ito maipipilit sa‘yo
Dahil walang magagawa, kung talagang ayaw mo na

Bahala na, Bahala na, Bahala na
Pero salamat na lang
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Salamat Na Lang Lyrics

King Gonzales – Salamat Na Lang Lyrics

More King Gonzales lyrics