Habang binubuklat ang pahinang ito
Ninanais malaman sagot saking tanong
Hinahanapan ng kahulugan ang buhay na ito
Ngayon ko lang nalaman,ito'y para sayo

Habang naglilingkod sayo Panginoon
Inaamin na minsa'y nagkukulang sayo
Kung minsa'y nadarapa man din at nalulugmok
Ito'y balewala pagkat ikaw ang kasama ko

C:
Itago mo Panginoon itong pusong
Wasak sa kadiliman ng mundo
Tibok nito'y iaaalay Sayo
Hinango mo Panginoon ang buhay na
Nagliliyab sa karagatan ng kasalanan
Ito'y binago mo
Mula noon,hanggang ngayon
Pagsama Mo ang nais ko
Panginoong Hesus..Magbabalik Sayo

Habang tinatangay ng mundong ito
Pag-asa ko o Dios ay nasa Sayo
Pangalan Mo Panginoong Hesus
Ang kakapitan ko
Sadyang kahanga-hanga ang kalooban Mo

Tatakbo ako ngayon patungo sa presensya Mo
Lilipad ako ngayon sa pag-ibig Mo
Isusuko ang buhay na ito at maglilingkod Sayo
Dadakilain ang pangalan Mo..
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Magbabalik Lyrics

Dawn Katlyn Ramos Roxas – Magbabalik Lyrics

More Dawn Katlyn Ramos Roxas lyrics