Magara ang iyong damit
Kumikinang na ngiti
Nakakasilaw na kuwintas
Bulok naman ang iyong budhi

Ang araw mo'y...
Darating

Ako naman ang gaganti
Ako naman ang mananakit
Ako naman ang aangkin
Ako naman ang tulisan

Amang pumatol sa anak
Kapatid sa kapatid
Dugo humalo sa dugo
Laman laban sa patalim

May araw rin sa 'king...
Darating

Ako naman ang gaganti
Ako naman ang mananakit
Ako naman ang aangkin
Ako naman ang tulisan

Sobrang pagpapanggap
Sobrang panlilinlang
Tawaran sa palengke
Buhay ay mura lang
Tao'y nabibili
Sariwang babae
Isang kilong karne
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Tulisan Lyrics