Wolfgang - Anino lyrics | LyricsFreak
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Anino Lyrics

Wolfgang – Anino Lyrics

Lumpong naglalakad
Katabi niya'y haring nakahubad
Binging nakikinig sa iyak
Ng piping mayroong tinig

Alisin ang 'yong maskara
At idilat ang mga mata
Ang isipang tangan ay buksan
Sa walang kabuluhan

Iligtas nyo ako
Sa sarili kong anino
Ang aking Anino
Daan ay hanapin palabas sa salamin
Kay dami daming hugis ng salamin

Nakatitig na bulag
Sa mga haliging nabuwag
Baliw na sumasayaw
Sa liwanag siya'y ikaw

At ang diwa ko'y litong lito
Ito'y balatkayo
Ang nakikita'y kabaliktaran
Hindi ang kinagisnan

Iligtas nyo ako
Sa sarili kong anino
Ang aking Anino
Daan ay hanapin palabas sa salamin
Kay dami daming hugis ng salamin

Tangay sa agos
Sa mundong puro abo
Hindi mundong ito
Bato ay abutin
At basagin ang salamin
Pirapirasong bubog ng salamin
Kung alam ko lang kung papaano
Kung alam ko lang
Kung alam ko lang kung papaano
Kung alam ko lang
Kung alam ko lang kung papaano
Kung alam ko lang

Iligtas nyo ako
Sa sarili kong anino
Ang aking Anino
Daan ay hanapin palabas sa salamin
Tangay sa agos
Sa mundong puro abo
Hindi mundong ito
Bato ay abutin
At basagin ang salamin
Share lyrics
×

Anino comments