Pumapatak na naman ang ulan
Mula sa mga ulap
Namamagang mga mata
At mga talukap

Delubyo, delubyo
Winasak mong lahat
Naririto pa rin ako
At umiiyak

Sinabi sa sariling hindi na
Ngunit heto na naman
Ilang beses pa ba kitang
Pag-bibigyan, pag-bibigyan

Delubyo, delubyo
Winasak mong lahat
Naririnig mo ba
Ang puso kong nabibiyak

Patak, patak lang nang patak
Buhos, buhos lang
Patak, patak lang nang patak
Buhos, buhos lang nang buhos

Naranasan mo na ba
Naranasan mo na ba
Naranasan, naranasan
Naranasan mo na ba.
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Delubyo Lyrics

Up Dharma Down – Delubyo Lyrics