Hanggang dito lang ba tayo
Magkaibigang totoo
Sa isa't-isa'y wala nang
Tinatagong sikreto
At pati nga sa pag-ibig
Sa payo kong nakikinig
Kahit na iba ang liligaya
Basta't ikaw ay masaya

Sa tuwing tayo'y magkasama
Labis-labis ang saya
Madalas pang mapagkamalan
Na tayo nang dalawa
Tinatawanan nga lang natin
Masakit man sa damdamin
O kay hirap tanggapin
Kung bakit 'di ka naging akin

O kay raming dahilan
Upang ikaw ay mahalin
Iisa na lang ang aking
Nararapat na gawin
Kinakailangan kong
Labanan ang nararamdaman
Dahil may mahal ka nang iba
'Di siya dapat masaktan
Maghihintay na lang sa 'yo
Nandito lang ako
'Pag puwede na ang puso mo

Kailan pa maniniwala
Kung anong mali at tama
Minsa'y parang nais
Na kitang agawin sa kanya
Ngunit 'di ko sisirain
Ang pinagsamahan natin
At ang tangi kong dalangin
Ikaw sana'y maging akin

O kay raming dahilan
Upang ikaw ay mahalin
Iisa na lang ang aking
Nararapat na gawin
Kinakailangan kong
Labanan ang nararamdaman
Dahil may mahal ka nang iba
'Di siya dapat masaktan
Maghihintay na lang sa 'yo
Nandito lang ako
'Pag puwede na ang puso mo

O kay raming dahilan
Upang ikaw ay mahalin
Iisa na lang ang aking
Nararapat na gawin
Kinakailangan kong
Labanan ang nararamdaman
Dahil may mahal ka nang iba
'Di siya dapat masaktan
Maghihintay na lang sa 'yo
Nandito lang ako
'Pag puwede na ang puso mo...
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

'Pag Puwede Na Ang Puso Mo Lyrics

Timmy Pavino – 'Pag Puwede Na Ang Puso Mo Lyrics

More Timmy Pavino lyrics