Sa una kong sulyap sa 'yong
Mga matang tila nalilito
Sa aking tuwa ako ay napaluha
Munting anghel na tulad mo
Ay biyaya ng Panginoon
Upang aking mahalin at alagaan
Kahit sa oras ng iyong laban
Maaasahan mo ako kailanpaman

Nais ko sanang sabihin sa 'yo
Na mahal na mahal kita
Inaalay ko ang awiting ito
Sa 'yo aking anak
Ah...

O kay bilis ng panahon
Ang buhay sadyang may hamon
Ika'y sinubok na ng pagkakataon
Higpit ng bawat yakap mo
Ang kumalinga sa iyo
Hanggang sa pinakahuli mong araw
Kani-kanina lang yakap kita
'Pag-gising ko ika'y bumitaw na

Nais ko sanang sabihin sa 'yo
Na mahal na mahal kita
Inaalay ko ang awiting ito
Sa 'yo aking anak
Ah... Ah...

Hanggang sa ating muling pagkikita
Salamat sa 'yong ala-ala

Nais ko sanang sabihin sa 'yo
Na mahal na mahal kita
Inaalay ko ang awiting ito
Sa 'yo aking anak
Ah... Ah...

Na mahal na mahal kita
Inaalay ko ang awiting ito
Sa 'yo aking anak
Ah...
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

A Song For Raphael Lyrics

Tanya Chinita – A Song For Raphael Lyrics

More Tanya Chinita lyrics