Mula nang makilala ka
'Di na makapaniwala
Na kahit pa magkaiba
Tayo'y sadyang naging isa
Sa langit ay ba't kumalas
Nahulog ka mula taas
Pakpak mo ay pakibaklas
Nang makasama ka nang mas madalas

Chorus:
Anghel sa lupa
Mananatili ka
'Di na hahayaang lumipad at iwan ako
Anghel sa lupa
Nahuhumaling na
Langit nadarama
'pag kapiling kita

Sana'y 'di na lumisan pa
'Di ko yata makakaya
Ang 'di ko na makita pa
Pagtitig mo sa 'king mata
Naliligaw ba ng landas
Nariyan ka ba kaya bukas
Pakpak mo ay pakibaklas
Nang makasama ka nang mas madalas

[Repeat chorus]

Bridge:
Dapat ba sa isang mortal
Ang sa iyo ay magmahal

Anghel sa lupa
Mananatili ka
'Di na hahayaang lumipad at iwan ako
Anghel sa lupa
Nahuhumaling na
Nais kong ialay ang buong buhay ko sayo
Sayo, sayo
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Anghel Sa Lupa Lyrics

Stonefree – Anghel Sa Lupa Lyrics