Balita ko ay meron ng iba
Kaya ako'y wala na talaga
At ang sakit isipin
Ang dali mo lang limutin
Napagod na sa'king paghihintay
Mga pangako'y di na rin naibigay
Pero kaya namang limutin
Na kakulangan sa akin

Sana sinabi mo na kaagad
Para kung pwede di na naglakad
Sana sinabi mo na kaagad
Para kung pwede di na naglakad
Patungo sa iyong mundong gusto ng balikan
At pangakong di na rin iiwanan

Mga luhang natuyo na sa mukha
Mga pangarap na bigla na lamang nawala
Pasulyap-sulyap na lang sa langit
At nangangarap na ito'y maulit

Sana sinabi mo na kaagad
Para kung pwede di na naglakad
Sana sinabi mo na kaagad
Para kung pwede di na naglakad
Patungo sa iyong mundong gusto ng balikan
At pangakong di na rin iiwanan

Sana sinabi mo na kaagad
Para kung pwede di na naglakad
Sana sinabi mo na kaagad
Para kung pwede... Yeah...
Sana sinabi... Yeah... (3x)
Sana sinabi...
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Sana Sinabi Lyrics

Soapdish – Sana Sinabi Lyrics