[Words by: Michael M. Santos]

Bakit kailangang mag-paalam
Hindi ba't kay tagal na ng pagsasama
Kailangan pa nga bang ito'y mangyari
Kung bakit naman kasi ngayun lang nasasabi

At aaminin ko ako'y naiinis
Aaminin kong puno ng hinagpis
Sa iyong pag-alis
Sa iyong pag-alis

Sinong pupukaw kung ako ay mangulila
Sa init na bigay ng mga yakap mo sinta
Paano ang gagawin kung ako ay manabik
Sa tamis at saya ng iyong mga halik

At aaminin ko ako'y naiinis
Aaminin kong puno ng hinagpis
Sa iyong pag-alis
Sa iyong pag-alis

Kay tagal ika'y inalagaan
Sa samahang puro pagmamahalan
Kaya naman hindi ko inasahan
Na magsasabi ka ng iyong pamamaalam

Ngunit kailangang magpaalam
Sa kay daming dahilang hindi ko maintindihan
Sana'y muli pa tayong magkita
At muli ay taglayin ang pag-ibig na nadama

Kay tagal ika'y inalagaan
Sa samahang puro pagmamahalan
Kaya naman hindi ko inasahan
Na magsasabi ka ng iyong pamamaalam

Labi sa labi
Labi sa labi
Labi ko sa iyong pisngi
Labi ko sa iyong pisngi
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Labi Sa Labi Lyrics

Skabeche – Labi Sa Labi Lyrics