Umaga ko'y parang walang araw
'Pag di nasisilayan ang 'yong ngiti.
Kung di ko na makita ang iyong mukha,
Mabuti pa'y sa Singapore mag bigti

Sweetheart tweetums,
Alam mo namang kotse ko'y syam syam
Ako'y simple lang,
Ngunit pag-ibig ko sayo'y walang hanggan

Kung sa panaginip makasama kita,
Sana'y di na 'ko magising muli.
Ang puso ko'y hindi na titibok
Kung ang iyong sagot sa akin ay hindi...

Sweetheart tweetums,
Katapatan ko ay iyong alam
'Di naman ako palahinge
Ngunit 'wag mong iwanan ang puso kong bale...

'Di baleng mabingi ang telepono
Sa kakatawag ko saiyo
'Di bale ng matalo sa lotto
Bastat marinig ang iyong... "oo"...

Sweetheart tweetums
Mundo'y walang pakialam
Sa 'yong desisyon
Bastat pagnilayan mo lang ang iyong... Tugon...
Bastat pagnilayan mo lang ang iyong... Tugon...

... Ang iyong... Tugon...
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Sweetheart Tweetums Lyrics

Sipol – Sweetheart Tweetums Lyrics