1st Verse:Silver Bone
Pag nakita ka ako ay natutunaw,
Para bang yelong nainitan ng araw,
Sana pwede kang araw-araw ay madalaw,
Nang gabi ko'y magkaroon ng linaw,
Ang makausap ka exercise ko sa umaga
Gatas ka narin na parang alaska
Sakit sa katawan ito ay yong hawakan
Nang hapdi ay tuluyan nang mabawasan
Nagsisilbing gamot ang yong kabaitan
Vitamins na rin ang yong kagandahan
Ako ay healthy na pag ikaw ang kasama
Multi-vitamins ang iyong dala dala
Sa buong buhay ko ikaw aking pantasya
Ililibot kita hindi lang sa asya
Aking pagmamahal sayo ipapamana
At itong puso ko ikaw nagpapagana

Chorus:Scout One
Mahal kita, mahal kita ikaw lamang at wala nang iba
Hindi kita ipagpapalit hanggang langit
Ikaw lamang ang aking iibigin

2nd Verse:Silver Bone
Ugali kong madumi ay yong nilinisan
Maraming nagbago sa aking katangian
Kasiyahan sa buhay sayo ko naranasan
Lalo na yung oras na tayoy pinagpawisan
Sa paglalakad sa init babad
Magkahawak kamay at puso'y sanay
Ikaw ang kausap mata ay imulat
Na ikaw ang kayakap at labi'y maglapat
Ika'y aking kailangan pagibig ang dahilan
Mataas ang lebel nang ating pagmamahalan
Kahit anong harang aking lalampasan
Asawang itinuring bigay ng kapalaran
Lahat ng bagay ay may ibig sabihin
Na pag ginusto ko ay aking gagawin
Lahat ng binibigay ay may paraan
Ang pagibig ko sayo ay may dahilan

Repeat Chorus:

Refrain:Silver Bone
Oh aking prinsesa sa hari at reyna
Ikaw ay makuha
Magtatayo tayo nang ating palasyo
Ikaw at ako magkasamang magplano
Sa buhay salat basta tayoy tapat
Pagmamahal ko singtigas nang asero
Hindi mapuputol kahit na bumagyo
Matumba man to pilit kong itatayo
Basta"t kasama palagi

(Scout One)
Ang babae na sa buhay ko ay nagpasaya
Ha ahh ahhh
Tunay na buhay, mundo'y makulay
Basta't ikaw ang aking kasabay
Makasama ka (makasama hanggang langit at ikaw ay makapiling)
Makasama ka (makasama ka sa lahat ng aking mga panalangin)
Makasama ka (makasama hanggang langit at ikaw ay makapiling)
Makasama ka (makasama ka sa lahat ng aking mga panalangin)

(Silver Bone)
Umiikot mundo ko nang dahil sayo
Nagiisa ka lang ako ay nangangako
Hindi mapapako aking sinasabi
Ikaw ay importante sa buhay ko
Uulitin ko
Umiikot mundo ko nang dahil sayo
Nagiisa ka lang ako ay nangangako
Hindi mapapako aking sinasabi
Ikaw ay importante sa buhay ko wooow

Repeat chorus 2x
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Siya Na Nga Lyrics

Silver Bone – Siya Na Nga Lyrics

More Silver Bone lyrics