Naitayo mo na ba ang christmas tree?
May pang regalo ka na ba sa inaanak mong marami?
Naisabit mo na ba ang parol?
Sa okasyong ito, di ka na ba magagahol?

At sa pagkakakataong ito kami naman ang babati
Sana'y maibigan n'yo ang mga kanta kung maaari
Magpahinga muna at sumandal lang sandali
Handa na ang aming tambol, gitara at buong barkada

Maligayang Pasko
At manigong bagong taon sa inyo
Maligayang Pasko
At manigong bagong taon sa inyo (oh)

Naibili ka na ba ng damit na bago?
May aginaldo ka na ba sa ninong at ninang mo?
Gawa na ba ang 'yong tambol na lata?
Sa noche buena ba ay may kasalo kang pamilya?

At sa pagkakataong ito kami naman ang aawit
Bagong matututunan n'yong mga batang paslit
Itigil muna ang laro at sa 'min ay lumapit
Handa na ang aming tambol, gitara at buong barkada

Maligayang Pasko
At manigong bagong taon sa inyo
Maligayang Pasko
At manigong bagong taon sa inyo (oh)

At sa pagkakataong ito magsama-sama tayo
Pagmamahal sa kapwa ilaganap sa mundo
Sabay-sabay tayong umawit sa diwa ng pasko
Handa na ang aming tambol, gitara at buong barkada

Maligayang Pasko
At manigong bagong taon sa inyo
Maligayang Pasko
At manigong bagong taon sa inyo (oh) [3x]

Maligayang Pasko
At manigong bagong taon sa inyo
Mail  |  Print  |  Vote

Maligayang Pasko Lyrics

translated from English to Russian

Siakol – Maligayang Pasko Lyrics

Translation in progress. Please wait...