Noong bata ka pa si Darna ang ginagaya
Minsan nama’y nagbi-bistida
Maging sa laruan, manika ang napag-tripan
Ayaw mo ng baril-barilan
‘Di ka nila sinasali
Hindi ka raw tunay na lalaki
Gusto ng tatay mo na ika’y mag-sundalo
Pero babae ang puso mo
Kahit lunurin ka, wala ring napala sila
Nung sabi mong ika’y sirena
‘Wag kang mag-alala
Matatanggap ka rin nila

[Chorus]
At kahit na ano pa ang gusto mo
Basta wala ka bang tinatapakan na tao
Ituloy mo lang ito
Ang mahalaga ikaw ay masaya
‘Wag mong intindihin ang sasabihin ng iba
Sila ang may problema
Walang pumapansin sa natatangi mong galing
Mas madalas ka pang laitin
Pinapakita mo na may silbi ka sa mundo
Ngunit walang rumirespeto
Lagi na lang iisipin
Sila na lang ang unawain
[Chorus]

At kahit na a*o pa ang gusto mo
Basta wala ka bang tinatapakan na tao
Ituloy mo lang ito
Ang mahalaga ikaw ay masaya
‘Wag mong intindihin ang sasabihin ng iba
Sila ang may problema
‘Wag kang mag-alala
Matatanggap ka rin nila

[Chorus repeat twice]
At kahit na a*o pa ang gusto mo
Basta wala ka bang tinatapakan na tao
Ituloy mo lang ito
Ang mahalaga ikaw ay masaya
‘Wag mong intindihin ang sasabihin ng iba
Sila ang may problema
Silang lumalait, silang mahilig manakit
Silang ‘di pupunta sa langit
Silang lumalait, silang mahilig manakit
Silang ‘di pupunta sa langit
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Ituloy Mo Lang Lyrics

Siakol – Ituloy Mo Lang Lyrics