Sapat na sakin ang ganito

Ang pagmasdan ka sa malayo
Kapag kinausap
Walang masagot
Hininga’y lagot

Hindi ko naman yata ikamamatay
Kung hindi ko mahawakan ang iyong kamay
Handa kong mabuhay sa aking kalokohan
Kung wala ka saking buhay walang kalungkutan

Munting ligayang iyong hatid
Tuwing dahan-dahan kang
Darating
Kagandahan, nasisilayan
Dahan-dahan
Lilisan

Hindi ko naman yata ikamamatay
Kung hindi ko mahawakan ang iyong kamay
Handa kong harapin ang kasinungalingan
Kung wala ka saking buhay walang kakulangan

Sapat na sa akin
Hindi na aamin
Hindi na aasa
Ako’y maligaya

Sapat na sa akin
Di na aaminin
Hindi na aasa
Ako’y liligaya

Hindi ko naman yata ikamamatay
Kung hindi ko mahawakan ang iyong kamay
Handa ko mabuhay sa aking kalokohan
Kung wala ka saking buhay walang kalungkutan

Hindin ko yata tanggap ang buhay
Minsan di ko mahawakan ang iyong kamay
Handa kong harapin kawalang katiyakan
Kahit na takot sa maaring kasagutan
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Waltz Of Four Left Feet Lyrics

Shirebound And Busking – Waltz Of Four Left Feet Lyrics

More Shirebound And Busking lyrics