Mananatili kang mahal sa akin
Hindi man nagtagal ating nakaraan
Walang katulad mo sinta sa buhay ko
Nais ko lamang ito'y malaman mo

Mananatili kang mahal sa akin
Tulad ng isang kaygandang awitin
May minamahal ka mang iba
Ngayon aking sinta
Mananatili kang mahal sa buhay ko

Larawan mo'y nakatanim sa isipan
Ang bawat mong galaw 'di ko malilimutan
Wala nang tatamis pa sa mga halik mo
Ala-alang kaysaya sa piling mo

Mananatili kang mahal sa akin
Tulad ng isang kaygandang awitin
May minamahal ka mang iba
Ngayon aking sinta
Mananatili kang mahal sa buhay ko

Lumipas man ang panahon sa mundong ito
Pag-ibig ko sa iyo'y 'di magbabago
Hindi na rin mahalaga
Ako'y limutin mo na
Pag-ibig ko sayo'y mananatili, mananatili

Mananatili kang mahal sa akin
Tulad ng isang kaygandang awitin
May minamahal ka mang iba
Ngayon aking sinta
Mananatili kang mahal sa buhay ko

Mananatili kang mahal sa akin
Tulad ng isang kaygandang awitin
May minamahal ka mang iba
Ngayon aking sinta
Mananatili kang mahal sa buhay ko
Mananatili kang mahal sa buhay ko
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Mananatili Lyrics

Sheryl Cruz – Mananatili Lyrics