Ibuhos ang saya hanggang lahat ay mahawa
Buksan mo ang iyong sarili, wag pigilin ang tawa
Hatakin ang barkada, game kahit san magpunta
Bagong trip ba't di subukan? Sama ka, wag magpaiwan

Batiin na rin ang kapitbahay
Pagbatiin nag-aaway
Pag nadapa, umahon lang
Pag may tumawa, bow na lang

Kung manalo, di masaya
Kung matalo may next time pa
Kung mahal mo, pakita mo
Walang mawawala sa yo

Pangarap, wag bitawan
Sige lang, subukan mo
Sama-sama, salu-salo
Buhay Coke, buksan mo

Sama-sama, salu-salo
Buhay Coke, buksan mo

Buksan mo
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Buhay Coke Lyrics

Sandwich – Buhay Coke Lyrics