Sabi ko na nga ba
Kapwa'y mayroong pag-ibig na lihim
Pagka't sa tuwing magtatama ang ating paningin
Umiiwas ako't 'di makatagal at ika'y nauutal
Hindi ba't tanda iyan ng nagmamahal

Kung alam mo nga lang
Na kaytagal na kitang pangarap
Ang sabi ko sa puso ko
Ikaw lang talaga

Ang nais na makasama
Ngayon at kailan pa man
Kung hindi ikaw
Huwag na lang sana

Kung alam mo lang na kaytagal ko nang naghihintay
Upang malaman mo kung gaano ko ikaw kamahal
Tanging buhay ko'y ibibigay sa'yo, sinta
Sabi ko na nga ba, iba 'pag nagmahal

Alam ko nung una malabo ang mga bagay sa atin
'Di ko inaasam-asam
Na ako'y mahal mo rin
Dahil kung kani-kanino ko pa
Nalalaman ang damdamin mo sa akin, sinta

Kung alam mo lang na kaytagal ko nang naghihintay
Upang malaman mo kung gaano ko ikaw kamahal
Tanging buhay ko'y ibibigay sa'yo, sinta
Sabi ko na nga ba, iba 'pag nagmahal

Kung alam mo lang na kaytagal ko nang naghihintay
Upang malaman mo kung gaano ko ikaw kamahal
Tanging buhay ko'y ibibigay sa'yo, sinta
Sabi ko na nga ba, iba 'pag nagmahal
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Sabi Ko Na Nga Ba Lyrics