Pag-ibig talaga'y mahiwaga
Parang batis na kusang bumubukal
Dati-rati ako ay nasaktan
Natakot ng magmahal
Ngunit dumating ang isang ikaw

Ikaw na sana oh sinta
Ang magbibigay sigla sa'kin tuwina
Ako'y nagsisisi bakit noo'y iniisnab kita
Ikaw pala, ikaw pala aking sinta

Alam kong mahal mo rin ako
Nadadaig lang ng takot ang puso mo
Ngunit patitibayin ka ng pag-ibig ko
Pagka't mahal na rin kita
At mahal mo rin naman ako, aking sinta

Ngayon alam kong ikaw na
Ang magbibigay sigla sa'kin tuwina
Ako'y nagsisisi bakit noo'y iniisnab kita
Ikaw pala, ikaw pala aking sinta

Harapin natin ang sa ati'y uusig
Ipaglaban ang ating pag-ibig
Hawak kamay, walang bibitaw
At lahat sila ay talunan
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Sinta Lyrics

Roselyn Torres – Sinta Lyrics

More Roselyn Torres lyrics