Verse 1
Narinig ko na naman ang pangalan mo
Kapag ganito kadilim ang araw ko, ang
Liwanag mo ang kailangan ko para makita ko
Ang nilalakaran ko patungo sa puso mo kung
Saan nais kong maging tambayan mo. Sabi
Nila langit ka lupa lang ako kita ko ang sinag
Ng araw sa mga mata mo, ngayong gabi sa
Mga bituin makikisabay ako baka sakaling
Pagbalik nila sa langit mapalapit sayo.

Chorus:
Kay sarap tingnan ng langit
Kahit nakakangawit na
Buti nandyan ka isang ngiti mo lang
Ay langit na.

Verse 2
Ikaw ang bahaghari
Pagkatapos ng malakas na ulan
Habang ako’y nakahiga
Ikaw ang tanawin mula sa may damuhan.
Ang iyong buhok ay kakulay ng kalangitang
May papalubog na araw, ako ay dahan-dahang
Nahuhulog na parang bulalakaw. Sabi
Nila langit ka lupa lang ako kumbaga hinalo
Mo yung kanal sa pabango, ngayong gabi sa
Mga bituin makikisabay ako baka sakaling
Pagbalik nila sa langit mapalapit sayo.

Chorus:
Kay sarap tingnan ng langit
Kahit nakakangawit na
Buti nandyan ka isang ngiti mo lang
Ay langit na.
Kay sarap tingnan ng langit
Kahit nakakangawit na
Buti nandyan ka isang tingin mo lang
Ay langit na.

Verse 3
Ang bingi nakarinig, ang bulag nakakita muli, ang pilay ay nakalakad, ang pipi nakapagsalita, ang supot naging tuli. Ang pag-ibig pag inisip ito nasa puso, pag pinuso nasa isip masisira lang ang ulo. Sabi nila langit ka lupa lang ako wala daw akong ka-pagasa pagasa sayo, ngayong gabi sa
Mga bituin makikisabay ako baka sakaling
Pagbalik nila sa langit mapalapit sayo.

Chorus:
Kay sarap tingnan ng langit
Kahit nakakangawit na
Buti nandyan ka isang ngiti mo lang
Ay langit na.
Kay sarap tingnan ng langit
Kahit nakakangawit na
Buti nandyan ka isang tingin mo lang
Ay langit na.

Verse 4
Iniwan ng tren, punuan ang jeep, laging nahuhulog sa sinasakyang trip, tumirik sa bahala laging pinapahinto kaharap ko lagi ay saradong pinto, basang basa ng ulan, walang payong, masungit ata ang tadhana sakin maghapon, laging nasa hulihan ng pila, payuko na sana tapos bigla kang nagpakita

Buti na lang nandyan ka
Buti na lang buti na lang nandyan ka sinta (2x)

Chorus:
Kay sarap tingnan ng langit
Kahit nakakangawit na
Buti nandyan ka isang ngiti mo lang
Ay langit na.
Kay sarap tingnan ng langit
Kahit nakakangawit na
Buti nandyan ka isang tingin mo lang
Ay langit na.
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Langit Lyrics

Ron Henley – Langit Lyrics

More Ron Henley lyrics