Kung tayo'y magkakalayo
Ang tanging iisipin ko'y
Walang masayang na sandali
Habang kita'y kasama

Kung tayo'y magkakalayo
Maging tapat ka pa kaya
Ibigin mo pa kaya ako
Kahit ako'y malayo na

Chorus:
Aking nadarama
Pagsasama nati'y 'di magtatagal
Kay laki ng hadlang
Sa ating pag-ibig

Kung tayo'y magkakalayo
Mapapatawad mo ba ako
Sa paghihirap na dulot ko
Sa buhay mo

(Repeat Chorus)

Kung tayo'y magkakalayo
At kahit mayroon ka nang iba
Ikaw pa rin ang buhay ko
Kahit ika'y malayo na

Ikaw pa rin ang buhay ko
Kahit ika'y malayo na
Ohhh... Ohhh... Ohhhhh...
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Kung Tayoy Magkakalayo Lyrics

Rey Valera – Kung Tayoy Magkakalayo Lyrics