Aaah... aah... aah
Aaah... aah... aah
Sa pagsibol ng araw
Nakikiusap na sa ulap
Mapalikas na mapalinlang
Mga aninong bumabalot sa lupa
Bahaghari lang nais na matanaw
[Chorus:]
Majika
Ikaw ang tanging pag-asa
Binhi sa kanyang kinagisnan
Pagkat landas ay di na babalikan
Sa paghamon ng gabi
Bakas ng luha'y susundin
Patungo sa mapaglarong tadhana
At nag-aalab na lihim
Sa ngalan ng pag-ibig ay tutuklasin
[repeat chorus]
[Bridge:]
Kalawakan ay di likas sa binhi
Nadadala lamang ng ihip ng hangin
Kakapit at umaasa
Majika
[Chorus:]
Majika
Ikaw ang tanging pag-asa
Binhi sa kanyang kinagisnan
Pagkat landas ay di na babalikan
Aaah... aah...
[coda]
Aaah... aah... aah... aah...
Aaah... aah... aah... aah...
Aaah...