Hoy mga pare ko, anong nangyari dito?
Bakit biglang namutla ang mukha ko?
Nanginginig, tumindig ang balahibo
Gusto kong sumigaw, gusto kong tumakbo palayo!

Hoy! Meron akong nakita, isang babae na nagpapakita sa
Kusina tuwing gabi... Nye!? White Lady ang dating...
OKATOKAT! Nakakapraning!
Ako'y kinabahan, dahan-dahang nilapitan...
Mula sa likod bigla ko siyang sinunggaban!
Ako'y napahiya nung nakilala ko kung sino...
Si nanay lang naman pala, akala ko multo!

Masamang panaginip... OKATOKAT!
Yung kaning mainit... OKATOKAT!
Yung Syota kong ma-gimick... OKATOKAT!
Punung-puno ng sabit!

Mag-isa sa kwarto, ano ba naman ito!?
Sa gitna ng dilim, kabado na naman ako!
Saking paligid, merong nakatitig...
OKATOKAT! Ako ay nanginginig!
So ako ay tumahimik at ako'y kinabahan.
Bumaba mula sa kama ko dahan-dahan...
Sabay takbo sa ilaw at bigla kong binuksan,
Salamin lang pala... buti na lang!

Tatay kong masungit... OKATOKAT!
Asong makulit... OKATOKAT!
Titser kong nakakabuwiset... OKATOKAT!
Ubod pa nang pangit!... OKATOKAT!

Lahat sa aking paligid ay kinakatakutan:multo, engkanto
At dayuhan. Mga pangyayaring hindi maintindihan, kapag
Hindi maunawaan, OKATOKAT diyan...
OKATOKAT diyan
Ayaw ba kong lubayan
OKATOKAT diyan
Wala akong kasalanan
OKATOKAT diyan
Sana naman ako ay tantanan
Ayaw ko ng ganyan
OKATOKAT diyan...
OKATOKAT diyan...
(Until it fades)
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Okatokat Lyrics

Parokya Ni Edgar – Okatokat Lyrics