Heto na naman
Nag-iisip na naman ng bituka
Kumain na ako bakit nagugutom pa

At nang maki-tagay
Kumukulong bigla ang aking sikmura
Maghahanap na ako, sa kanto meron ba

[Refrain]
Nais ko, yung pagtapat sa 'yo
Sana'y bilhin mo kagad sampung piso nito
Kahit na baboy, manok o baka 'to

[Chorus:]
Isaw nga, yan ang hanap-hanap
Ang sarap pag iyong nalanghap
Nilulubog sa may siling suka
Na may konting asin, paminta
Isaw nga, galing sa nagbabagang uling
Ni Aling Kikay
Wag lang di matikman ang lahat
Humihingi pa ng isa

Nang mag-inuman na
Parang bigla akong nirayuma
Alam kong sa isaw ito, tuloy ang ligaya

[Repeat Refrain and Chorus]

Di na makatigil ng nguya
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Isaw Nga Lyrics

Michael V – Isaw Nga Lyrics