I
Naaalala mo pa ba nung tayo pa'ng magkasama
Nagkukulitan at laging nag-aasaran
Nagpapatawaran pag tayo'y di nagkaintindihan
Ganyan nga... nung tayo'y magbestfriend pa

II
Naaalala mo pa ba nung tayo pa'ng magkaramay
Sa lahat ng problema ay laging naaasahan
Laging kasa-kasama at di nag-iiwanan
Ganyan nga... nung tayo'y magbestfriend pa

CHORUS:
Pero ewan ko ba kung bakit nagkakaganito
Di nagkakasama at di na rin nagkakasundo
Pero alam ko na'ng lahat ng aking nagawa
Pinagpalit ka sa iba't iniwang luhaan

(Repeat I & CHORUS)

CODA:
Kaya ako...sana'y iyong patawarin
Alam mo namang di ko kayang mawala...
Ang tanging bestfriend ko

(Repeat II & CHORUS)

Naaalala mo pa ba... bestfriend (4x)
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Bestfriend Lyrics

Micah Sevilla – Bestfriend Lyrics

More Micah Sevilla lyrics