Bakit ba ganyan,
Ang ibig ko'y lagi kang pagmasdan'
Umula't umaraw ay hindi pagsasawaan
Ang iyong katangian
Damdamin ko'y ibang-iba kapag kapiling ka, sinta.

Ewan ko, kung bakit ba ganyan;
Damdamin ay di maintindihan'
Kailangan ang pag-ibig mo
Dahil sa ako'y nagmamahal sa 'yo
Magmula nang kita'y makilala.

Bakit ba ganyan,
Kung minsan ay nauutal sa kaba
Kapag ika'y kausap na'
Ngunit lumalakas ang loob kung ikaw ay nakatawa.

Ewan ko, kung bakit ba ganyan;
Damdamin ay di maintindihan'
Kailangan ang pag-ibig mo
Dahil sa ako'y nagmamahal sa 'yo
Magmula nang kita'y makilala (woh)

Ewan ko, kung bakit ba ganyan;
Damdamin ay di maintindihan'
Kailangan ang pag-ibig mo
Dahil sa ako'y nagmamahal sa 'yo
Magmula nang kita'y makilala.

Hoh woh...
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Bakit Ba Ganyan Lyrics

Melissa Gibbs – Bakit Ba Ganyan Lyrics

More Melissa Gibbs lyrics