Sa bawat araw na dumadaan
Naaalala ko ang ting nagdaan
Sabay tayong maligo sa ulan
At minsan ay kumakain sa tindahan ni aling susan

Marami na tayong pinagdaanan
Pag-ibig na ating nasimulan
Pasko ay sasapit, naghihintay pa rin
Kalakip ng awitin, dalangin ko'y makapiling

Simoy ng hanging nadarama mo rin
At kahit na malayo ka'y malapit na rin
Ang tinig mong sumasama sa hangin
Nanlalamig nananabik na makasama ka
Sa paskong darating

Umasa kang ako'y naghihintay pa rin
Sa muling pagbabalik sa'king piling
Nais kong malaman mong ika'y mahal pa rin
Kalakip ng awitin, dalangin ko'y makapiling
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Sa Paskong Darating Lyrics

Manibela – Sa Paskong Darating Lyrics

More Manibela lyrics