top 100
·
top new
·
updates
·
submit lyrics
#
A
B
C
D
E
F
G
H
I
J
K
L
M
N
O
P
Q
R
S
T
U
V
W
X
Y
Z
Correct Balewala Lyrics
Lyrics
►
Artists: S
►
Sangkaterba Family
►
Correct Balewala
Artist:
Song:
Comment:
Lyrics:
Verse 1: Buhat ng ika'y aking masilayan Ang nadama ko ay tila iba... Ninais kita na alayan ng Rosas Kung sa iyo, ay ayos lang ba? Na kahit ito ay mumurahin Ang mga nilaan ay wag mong kutyain Hangarin ko lang na iyong mapansin At mahagip din ng iyong paningin Na kahit man lang sa ganitong paraan Ay mapuna mo na ako ay handang Tumulong sa'yo, kung malungkot ka Nandito ako para ihakbang ang mga paa mo Patungo sa kasiyahan na nais mo na matamo Mahal na kita! Di mo ba makita? Imulat mo nga ang mga mata mo! Na kahit ano man ang hilingin mo Ay handa ko na rin sa'yo na ibigay... Natiyak ko na nga ang nadarama Mula ng sa puso kita malagay... Sana bumigay,, sa awit na 'to Pag-ibig sa'yo ang tanging paabot... Wag lang pagdamot,, Ang dalawang letra na "OO" Na tangi mo sanang sagot Kung nais mo pang haranahin kita Sa bahay ninyo maniwala ka lang! O ipakagat sa aso ninyo Basta't sa tenga ko marinig lang Ang mga salitang,, napakatamis,, Na magmumula sa iyong labi Ang makapiling ka sa habang buhay Na sana ang tangi naman na mangyari... Chorus: Ikaw ang nagbigay saya, Mula ng masilayan ka At sana ay malaman mo, Lahat ito'y laan sa'yo Ang puso ko'y nabihag mo Kaya ako lang ay sa'yo At kung ako'y iiwan mo Mamatay ang puso ko... Verse 2: At dumating na ang takdang panahon At yon ay di ko inaasahan Ang mala "NATA DE COCO" mong "OO" Ay bigla mong binitawan... Tanda ko pa nun, umaga pa yun, At tayong dalawa'y nagkasalubong... Biglang umambon, ng tayong dalawa'y Napasilong sa kapiraso na bubong... At napatingin sa aking mata Sinabi mo sa'kin na "sige na nga" At napaluha sa sobrang saya Sinabi mo sa'kin na "gusto kita" Kaya ako sinta, hayaang pakinggan... Ang tanging awit na sa'yo nilaan... Salamat na rin ng dahil sa'yo Buhay ko'y malungkot nasiyahan Sadyang ginapos ng panahon Ang pag-ibig ko sa'yo tinuon Parang inalon ang lungkot ko Ng ikay sumagot "Mahal" Di ko malimot ang regalong pabulong Na ang laman ay tanging sagot Upang malunasan ang dating poot Humilom ang sugat tuluyang lumimot Sa nakaraan mo na kay pait,, Pilit kong binago ng pagmamahal Ng pagmamahal na inalay sa'yo Tanggapin mo't suklian mo ako Ng pag-ibig na tanging sa'yo nagmula At sana'y nawa,, ang awit kong 'to Pakinggan mo ng iyong madama na Ikaw lang talaga at wala ng iba... Chorus: Ikaw ang nagbigay saya, Mula ng masilayan ka At sana ay malaman mo, Lahat ito'y laan sa'yo Ang puso ko'y nabihag mo Kaya ako lang ay sa'yo At kung ako'y iiwan mo Mamatay ang puso ko... Verse 3: Di ko lubos maisip lahat Na ang kasiyahan natin ay lubos Kasabay ng dasal ko sa itaas Na sana ito ay di na magtapos At sana ikaw lang at ako Wala ng iba ang dapat itadhana Sa isang bubong na dapat magsama Na may pamilya na isang masagana Ngunit bigla akong natulala Ng pinagtapat mo ang iyong karamdaman Nais mo sa 'kin na ika'y lumayo 'Pagkat malubha na ang iyong kalagayan Halos lahat ay di ko matanggap Di rin mapigil na di pumatak! Ang mga luha sa mga mata,, Ng malaman pagbalik mo'y di na tiyak Tuluyan ka na ngang nag ibang bansa Nagbakasakali na dun ay may lunas Ang dinadala mo na karamdaman Na sana naman ikaw ay makatakas Sa isang paglipas ng panahon Sapagkat isa lang ang laging tinugon Ng sarili kong 'to na ika'y bumalik Na kahit malabong mangyari pa yon Tapos lahat biglang nawala Ng makamit ko liham na pinadala Mula sa Kapatid mo at iyong Ina Isinaad dito yumao ka na Oh bakit kaya nagkaganito? Oh bakit kaylangan itong matamo? Ang pagmamahal na ipinunla'y Nabalewala ng ika'y lumayo! Chorus 2: Di ko lubos maisip na Sa'kin ika'y mawawala Pag-Ibig na ipinunla Bandang huli balewala Mula ng ika'y lumayo Lungkot ang tanging natamo Kaya ng iniwan mo Kinamatay ng puso ko... Kinamatay ng puso... Ko... How sad! Kalungkot yung meaning ng kanta! O ayan Gerome ginawaan na kita ng lyrics! Hahaha Antagal ka naman sagutin ni Aileen!!! Gaylaya!! Makapoy kan talaga!!! Haha!! I'm a fan pala ni Arje Pineda!!
add rows