top 100
·
top new
·
updates
·
submit lyrics
#
A
B
C
D
E
F
G
H
I
J
K
L
M
N
O
P
Q
R
S
T
U
V
W
X
Y
Z
Correct Kasagutan Lyrics
Lyrics
►
Artists: A
►
Arca
►
Correct Kasagutan
Artist:
Song:
Comment:
Lyrics:
Sa bawat katanungan... May posibleng kasagutan... Ngunit may inaakalang kasagutan... Na hindi mo dapat kapitan... [Verse:] Maraming klase ng droga Na pilit na inaabuso At marami ang tao Pilit nais dito'y matuto At walang sinasanto Banyaga man o pilipino Lantaran o patago Bentahan dito'y malago Talamak san mang lugar Walang huli kahit bulgar Protektado ng iilan Kase bulsa nalalagyan Gumugulong na kalakaran Mahirap ba mapigilan Mahirap man o mayaman Patuloy pinipilahan Di na nila alintana Sila man ay mag-kasala Mapariwara, masira Panlaman na ng sikmura Ito ba ang pambubuhay At piniling hanapbuhay Pati rin ba sa pamilya Ito pa ang papamana? Magulo na ang mundo Lumaban wag magpabuyo Sa tawag nitong demonyo Ang bato damo delubyo Mapanira to sa ulo Taliwas sa lumikha Iwasan nating manira Maging layuning gumawa... Ang inakalang kasagutan Huhukay ng 'yong libingan Yang napili mong kapitan Inaanay marupok Sa kumunoy na tinapakan Umahon ka kaibigan 'Bang may oras pagisipan Mamulat sa katotohanan... [2x] [Chorus:] Marami mang katanungan Na pilit na bumabalot Sa 'yong isipan pare... Di droga ang kasagutan Hindi malulutas ang problema Ng isa pang problema Pare makineg at Wag lang yan ang 'yong sandigan... [2x] [Verse:] Sa bisyo mong pinasok Ika'y naging talamak Hanggang sa dumating Ang buhay mo ay napahamak Kailan ba magbabago Ang buhay mong tinatahak Gusto mo bang tawaging Salot ka na sa lipunan Bakit ba hindi na lang Trabaho unang pagtuunan Ito ay simpleng awit Na sa droga'y nalululong Na dinaan ko sa tula Sa kabataan makatulong Maibangon maiahaon Sa pagkakalugmok Ang ilan sa kabataan Na nagiging mapusok Nagagawang magnakaw Makatikim lamang ng droga At di nila alam Nakakasira ng sistema Hindi lang sa sarile Pati na rin sa pamilya Kaibigan di pahuli makawala Sa kadenang nakagapos Huwag mo na hayaan isang iglap Buhay mo'y matapos Manalangin sa may kapal At di ka n'ya pababayaan Darating ang bukas mo Na may liwanag sa karimlan... Ang inakalang kasagutan Huhukay ng 'yong libingan Yang napili mong kapitan Inaanay marupok Sa kumunoy na tinapakan Umahon ka kaibigan 'Bang may oras pagisipan Mamulat sa katotohanan... [2x] [Chorus:] Marami mang katanungan Na pilit na bumabalot Sa 'yong isipan pare... Di droga ang kasagutan Hindi malulutas ang problema Ng isa pang problema Pare makineg at Wag lang yan ang 'yong sandigan... [2x] [Verse 3:] Marami na'kong nakilala Bisyo ang naging sandigan Pero nasaan sila ngayon Lugmok sa kadiliman Yung ilan sa may piitan Bumigay na ang isipan Yan ba ang iyong katwiran At sagot sa katanungan Masakit man 'tong isipin Na ika'y nag-paalipin Sa kapiraso ng bato Kaluluway binenta mo Utak tuyo't parang damo Mapusok na parang isang aso Isa ba sa mga plano Lumayo sa'yo ang tao D'yan ka ba napapanatag 'Pag wala kang maaninag Ang kaibigan na tinuring mo Palaging naandyan sa'yo Iiwan ko tanong sa'yo Lunas na ba problema mo? Masdan mo ang sarile mo Kilala mo pa ba ito? Masdan mo magulang mo Lumuha ng dahil sayo Kailan nyo pa matatanto? Pag-nilalangaw na kayo? Halika kaibigan Baguhin ang kapalaran Tawagin kanyang pangalan Bago pa mapagiwanan... Ang inakalang kasagutan Huhukay ng 'yong libingan Yang napili mong kapitan Inaanay marupok Sa kumunoy na tinapakan Umahon ka kaibigan 'Bang may oras pagisipan Mamulat sa katotohanan... [2x] [Chorus:] Marami mang katanungan Na pilit na bumabalot Sa 'yong isipan pare... Di droga ang kasagutan Hindi malulutas ang problema Ng isa pang problema Pare makineg at Wag lang yan ang 'yong sandigan... [2x]
add rows