top 100
·
top new
·
updates
·
submit lyrics
#
A
B
C
D
E
F
G
H
I
J
K
L
M
N
O
P
Q
R
S
T
U
V
W
X
Y
Z
Correct Ozone (Itulak Ang Pinto) Lyrics
Lyrics
►
Artists: U
►
Unique
►
Correct Ozone (Itulak Ang Pinto)
Artist:
Song:
Comment:
Lyrics:
[Verse 1] Itulak ang pinto, papasok sa sayawan Sa gabing ito'y may isang inaasahang Makasayaw at makapiling hanggang kinabukasan Mabubuo ang alaala, mapapaso ang kaluluwa Basang basa ng pawis dahil sa arsonista kong mata Magliliyab kapag ako'y lumapit ng tuluyan [Chorus] Sunugin natin ang ating mga paa Dagitab ng bawat padyak ay nadarama Sunugin natin ang ating mga paa Dagitab ng bawat padyak ay nadarama [Verse 2] Tinulak ang pinto ng ilang kaibigan May kumalat sa loob, lahat ay nagsitakbuhan Isang daan kaming lumalayo mula sa kamatayan Mabubura ang alaala, mapapaso ang kaluluwa Basang basa ng pawis ang nakita ng aking mata Naging abo ang ating buhay at pag-ibigan [Chorus] Sunog ang katawan ulo hanggang paa Dagitab ng bawat isa ay nadarama Sunog ang katawan, ulo hanggang paa Dagitab ng bawat isa ay nadarama [Chorus] Sunugin natin ang ating mga paa Dagitab ng bawat padyak ay nadarama Sunugin natin ang ating mga paa Dagitab ng bawat padyak ay nadarama [Outro] Itulak ang pinto Itulak ang pinto Itulak ang pinto Itulak ang pinto Itulak ang pinto Itulak ang pinto
add rows