top 100
·
top new
·
updates
·
submit lyrics
#
A
B
C
D
E
F
G
H
I
J
K
L
M
N
O
P
Q
R
S
T
U
V
W
X
Y
Z
Correct Parangal Lyrics
Lyrics
►
Artists: A
►
Aplaya
►
Correct Parangal
Artist:
Song:
Comment:
Lyrics:
[Verse 1] Sa iyong makakapal na palad Mababakas ang kahirapang dinanas sa buhay Na higit na nagpahigpit sa pagtangan Sa dakilang paninindigan [Verse 2] Sa iyong pangangatawan Makikita ang maskulong pinagpandayan Ng aserong bakal na kawangis mo Sa pagharap sa hamon ng buhay [Verse 3] Sa iyong mukha Maisasalarawan makauring pakikibaka Laban sa panginoong mangangamkam Dayuhang berdugo't estado [Pre-Chorus] At sa iyong mga kataga Batid ang katiyakan ng tagumpay [Chorus] Kasama, bayani ka ng sambayanan Uri mo'y pinanday ng kilusan Dudurog sa pader ng kaapihan Kaya proletaryong diwa Sa iyo'y nananalaytay Na magtitiyak sa ganap na tagumpay [Verse 4] Sa iyong paglaban Muling naipamalas Giting at lakas ng kababaihan Dakilang asawa't ina para sa sambayanan [Verse 5] Iyong itinaguyod pantaong karapatan Punyal na humubog sa kasaysayan Naglantad sa bangis ng estado Sa kanyang mamamayan [Verse 6] Sa iyong mapagkalingang palad Kinanlong biktima ng berdugong militar Na higit na nagpahigpit Sa ating anti-pasistang paglaban [Pre-Chorus] At sa iyong mga kataga Taglay ang sigaw ng katarungan [Chorus] Kasama, bayani ka ng sambayanan Uri mo'y pinanday ng kilusan Dudurog sa pader ng kaapihan Kaya proletaryong diwa Sa iyo'y nananalaytay Na magtitiyak sa ganap na tagumpay [Bridge] Sa iyong pagpanaw, aming natatanaw Libong mamamayan ang mapupukaw Nakahanda sa pagbubuwis ng buhay Nang kalayaan ay makamtan [Chorus] Kasama, bayani ka ng sambayanan Uri mo'y pinanday ng kilusan Dudurog sa pader ng kaapihan Kaya proletaryong diwa Sa iyo'y nananalaytay Na magtitiyak sa ganap na tagumpay (Chorale) Kasama, bayani ka ng sambayanan Uri mo'y pinanday ng kilusan Dudurog sa pader ng kaapihan Kaya proletaryong diwa Sa iyo'y nananalaytay Na magtitiyak sa ganap na tagumpay Kasama, bayani ka ng sambayanan Uri mo'y pinanday ng kilusan Dudurog sa pader ng kaapihan Kaya proletaryong diwa Sa iyo'y nananalaytay Na magtitiyak sa ganap na tagumpay Kasama, bayani ka ng sambayanan Uri mo'y pinanday ng kilusan Dudurog sa pader ng kaapihan Kaya proletaryong diwa Sa iyo'y nananalaytay Na magtitiyak sa ganap na tagumpay
add rows