Ngayon mundo'y gulung-gulo
At lahat tayo'y litung-lito
Pag-ibig sa kapwa tao
Sa daigdig dapat ituro
Kung bawa't puso ay marunong magmahal
Kapayapaa't kasiyahan tiyak na makakamtan

Lahat tayo'y pantay-pantay
Sa biyaya ng Maykapal
Lahat sana'y akbay-akbay
Handang tumulong kanino man
Kung bawat tao ay marunong magmahal
Ano mang kulay o salita
Tiyak na makiki-isa

Je t'aime, te amo, I love you
Watashi wa anato aishitemasu
Ich liebe dich, iniibig kita
Gua ay di
Paano man sabihin
Ang mundo'y turuan natin
Tanging lunas ang pag-ibig
Isang mundo, isang awit

Isang sigaw, Pag-ibig.
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Isang Mundo, Isang Awit Lyrics

Leah Navarro – Isang Mundo, Isang Awit Lyrics