Ako'y nagtatanong sa aking isipan
Kung bakit ang puso ko'y pinaglalaruan
Ang pag-ibig sa akin ay 'di maintindihan
Anong aking magagawa upang ito'y malagpasan

'Wag mong bitawan ang aking kamay
Hawakan mo ang puso kong sa 'yo'y nagmamahal
At kung sakali ako'y iyong iiwan
'Wag ka nang magbabalik
Upang ako'y hindi na masaktan

Nais ko lang nama'y lumigaya
Sapat na ang makasama kita
Kung hindi tayo para sa isa't-isa
Iyuyuko na lang ang mukha
Na may tumutulong luha

'Wag mong bitawan ang aking kamay
Hawakan mo ang puso kong sa 'yo'y nagmamahal
At kung sakali ako'y iyong iiwan
'Wag ka nang magbabalik
Upang ako'y hindi na masaktan

Mahal kita, 'yan ang tandaan
Ibibigay kahit ano
Kahit hindi ko kaya

'Wag mong bitawan ang aking kamay
Hawakan mo ang puso kong sa 'yo'y nagmamahal
At kung sakali ako'y iyong iiwan
'Wag ka nang magbabalik
Upang ako'y hindi na masaktan

'Wag ka nang magbabalik
Upang ako'y hindi na masaktan
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

'Wag Mong Bitawan Lyrics

Kristine Dera – 'Wag Mong Bitawan Lyrics

More Kristine Dera lyrics