Nalimutan ko pala...
Payong ko'y 'di ko dala
Sino ngayon ang basa?

'Di naisip na mali
Ang lumakad sa dilim
Sino ngayon ang nadapa?

At kung kailan handang sumubok
Ang nanlamig kong puso
Saka muling magkakamali
Ang akala kong Oo'y hindi
Kaya't 'wag nang ipilit

Oh, sa isip ko ay walang hadlang
'Yun pala'y nariyan lang?
Idaan na lang sa limot
Idaan na lang sa limot
Alam kong walang aasahang pagsinta
Kahit laging nariyan ka.
Idaan na lang sa limot
Idaan na lang sa limot

At susubukan ko na lang
Punan itong mga patlang
Dahil malinaw na, ako'y walang lamang

At kung kailan handang sumubok
Ang nanlamig kong puso
Saka muling magkakamali
Ang akala kong Oo'y hindi
Kaya't 'wag nang ipilit

Oh, sa isip ko ay walang hadlang
'Yun pala'y nariyan lang?
Idaan na lang sa limot
Idaan na lang sa limot
Alam kong walang aasahang pagsinta
Kahit laging nariyan ka.
Idaan na lang sa limot
Idaan na lang sa limot

Ngunit 'd magawang lumisan
Dapat na bang bitawan?
At habambuhay na ililihim ang pagkabigo

At kung sakaling wala na siya,
Ako'y mapapansin kaya?
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Limot Lyrics

Kevin Yadao And Marlon Barnuevo – Limot Lyrics

More Kevin Yadao And Marlon Barnuevo lyrics