Hahamakin ko ang lahat
Babalik ka lang sa piling ko
Tatahakin ko ang landas
Nasaan ka man, O giliw ko

Sana'y pagbigyan ang puso ko
Na muli pang magmamahal
At muli kang makapiling
Mahal ko iyong dinggin

'Di na muling luluha pa
'Di na muling magdurusa
Kung naririto ka na
Na magmamahal muli
Sa piling ko

Alala mong kayganda
Ang sigla't saya sa buhay ko
Ang tamis ng iyong pagsinta
Ang tanging dasal, O giliw ko

Sana'y pagbigyan ang puso ko
Na muli pang magmamahal
At muli kang makapiling
Mahal ko iyong dinggin

'Di na muling luluha pa
'Di na muling magdurusa
Kung naririto ka na
Na magmamahal muli
Sa piling ko

Sana'y pagbigyan ang puso ko
Na muli pang magmamahal
At muli kang makapiling
Mahal ko iyong dinggin

'Di na muling luluha pa
'Di na muling magdurusa
Kung naririto ka na
Na magmamahal muli

'Di na muling luluha pa
'Di na muling magdurusa
Kung naririto ka na
Na magmamahal muli
Sa piling ko...
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Sa Piling Ko Lyrics

Julie Anne San Jose – Sa Piling Ko Lyrics