Di ba tayo'y narito
Upang maging malaya
At upang palayain ang iba
Ako'y walang hinihiling
Ika'y tila ganoon din
Sadya'y bigyang-laya ang isa't-isa

[Chorus:]
Ang pagibig natin ay
Walang hanggang paalam
At habang magkalayo
Papalapit pa rin ang puso
Kahit na magkahiwalay
Tayo ay magkasama
Sa magkabilang dulo ng mundo

Ang bawat simula ay
Siya ring katapusan
May patutunguhan ba
Ang ating pagsinta
Sa biglang tingin
Kita'y walang kinabukasan
Subalit di-malupig ang pag-asa

[Chorus:]
Ang pagibig natin ay
Walang hanggang paalam
At habang magkalayo
Papalapit pa rin ang puso
Kahit na magkahiwalay
Tayo ay magkasama
Sa magkabilang dulo ng mundo

[Chorus:]
Ang pagibig natin ay
Walang hanggang paalam
At habang magkalayo
Papalapit pa rin ang puso
Kahit na magkahiwalay
Tayo ay magkasama
Sa magkabilang dulo ng mundo
Sa magkabilang dulo ng mundo
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Walang Hanggang Paalam Lyrics

Joey Ayala – Walang Hanggang Paalam Lyrics