Sinubukan ko namang
Ibigay ang lahat sa yo.
At sinubukan ko namang
Hatiin ang oras ko

Para lang makita mo
Na nandito lang ako
Para sa damdamin mong
Naghihingalo.

Sinubukan ko namang
Intindihin kita.
At sinubukan ko namang
Pasanin ang bigat
Na iyong dinadala
At pawiin ang luhang
Dumadaloy
Mula sa yong mata

At hangga't kaya pa
Ay magtitiis pa rin.
Pipilitin kong
Pag-ibig ay buhayin.

Ngunit kung ikaw ang
Syang susuko
May dahilan pa ba
Di na ilalaban pa
At kung ang puso
Mo'y nagbago
May magagawa pa ba
Kung ang yong hinihiling
Ay ang iyong paglaya.

Sinubukan ko namang
Ayusin ang lahat
At sinubukan ko naman
Ngunit di pa rin sapat
Ang aking pagmamahal
Unti-unting napapagal
Oh, tila di na to magtatagal.

At kung ikaw ang
Syang susuko
May dahilan pa ba
Di na ilalaban pa
At kung ang puso
Mo'y nagbago
May magagawa pa ba
Kung ang yong hinihiling
Ay ang iyong paglaya.

Pilit kong pinagtagpi-tagpi
Ang bawat puwang
At pilit ko pa ring kinukubli
Ang kalungkutan
Ngunit kung ako ang dahilan
Kaya't ikaw nasasaktan
Hayaan mong aking turan
Na mahal na mahal kita
At paalam

At kung ikaw ang
Syang susuko
May dahilan pa ba
Di na ilalaban pa
At kung ang puso
Mo'y nagbago
May magagawa pa ba
Kung ang yong hinihiling
Ay ang iyong paglaya.

Susubukan ko naming
Mabuhay ng wala ka
Susubukan ko namang
Mag-isa
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Ang Iyong Paglaya Lyrics

Jerome Cleofas – Ang Iyong Paglaya Lyrics

More Jerome Cleofas lyrics