Minsan may pangarap
Na makapiling ka sa tuwi-tuwina
Ngayon nariyan ka na
Wala nang hahadlang
Sa aking pagmamahal sa 'yo

Hinding-hindi ka na mag-iisa
Hindi ko hahayaan na ika'y mawalay pa
Ikaw lamang sa buhay ko
Wala nang iba pa
Aking pangako ay hindi ka na mag-iisa

Mula nang makita ka
Tibok ng aking puso sa 'yo laan
Lungkot na 'yong nadarama
Hayaan mo akong hawiin na nakaraan

Hinding-hindi ka na mag-iisa
Hindi ko hahayaan na ika'y mawalay pa
Ikaw lamang sa buhay ko
Wala nang iba pa
Aking pangako ay hindi ka na mag-iisa

Hindi ka na muling malalayo sa buhay ko
Mananatili kang laging sa puso ko
Sa puso ko...

Hinding-hindi ka na mag-iisa
Hindi ko hahayaan na ika'y mawalay pa
Ligaya ka sa buhay ko
Hatid ka sa 'kin ang langit
Aking pangako ay hindi ka na mag-iisa...
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Hindi Ka Na Mag-iisa Lyrics

Jennylyn Mercado – Hindi Ka Na Mag-iisa Lyrics