Sino ka nga ba at ano ang iyong nakaraan
Bandido lamang ba o may iba pang dahilan
Tila buong mundo ay pilit tinutugis ka
Sa bawat kilos, may nagmamatyag na mata

[Chorus:]
Mailap, madulas, sadyang mapangahas
Matinik, mabilis at di umaatras
Malakas ang dating, magaling tumakas
Kahit na katiting ay walang iiwanang bakas
Subukang hulihin si Lupin

May angkin kang taglay na sinuma'y di papantay
Ngunit mag-ingat ka, ako'y laging nakabantay
Wag mong sabihin na walang kinatatakutan
Sinisiguro ko, mayron ka ring kahinaan
Hahanapin ko yan

[repeat Chorus]

Yakapin mo ang puso ko, alipin ng pag-ibig mo
Gagawin ko'ng lahat, mahuli ang iyong pagsinta

[repeat Chorus]

Ako'y ibigin, oh Lupin

Subukang hulihin si Lupin
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Lupin Lyrics

Janno Gibbs – Lupin Lyrics