Minsan sumakay ako ng jeep, galing ng eskuwela
Meron akong nakita sumakay na magandang dalaga
Itong chick ay seksi talaga at sos ang dating
Kaya naisipan kong magpacute at magpapansin
Oh, anong tuwa ko nang abutin ko ang kanyang bayad
Para akong asong ulol baw waw waw na nagkakandarapa
Halos magkanda-haba haba haba haba haba haba
Ang aking kamay sa pag-abot nang kanyang sukli
Sabay bigla akong nag-hi, "hi!"

Miss miss sa loob ng jeepney
Sana naman ako ay bigyang pansin
Miss miss sa loob ng jeepney
Sana naman akoy bigyan tingin
(Tingin naman diyan)
(Tingin naman diyan)

Isa lang po ang aking problema
Kung paano ko siya makikilala
Eh pumara ang jeep, sumakay si lola
E puno na pala
Kahit di ko gawain
Ako'y napilitan, "lola dito ka na"
Nang akoy nakasabit
Nabigla ang bulong niya "ingat ka baka ka madisgrasya"
Akoy na shock sa caring niya
Akoy na shock kasi concern siya
Pumalakpak ang aking tenga
Plak, plak, plak, ang sabi na aking tenga

Miss miss sa loob ng jeepney
Sana naman ako ay bigyang pansin
Miss miss sa loob ng jeepney
Sana naman akoy bigyan tingin
(Tingin naman diyan)
(Tingin naman diyan)

Pagdating sa dulo biglang natraffic may banggaan daw sa kanto
Nagkabanggaan ang aming tingin, nauwi sa mabuting usapin
Nagkabanggaan, nagkahabaan ang aming usapan
Mula kababawan hanggang kalaliman, di ko namalayan
Siya pala ay papara na
Goodbye goodbye ang sabi niya
Goodbye goodbye hangang sa muling pagkikita
Goodbye, goodbye, goobye
Goodbye, goodbye

Nakalimutan kong itanong pangalan niya at tirahan niya
Nakalinutan kong isulat phone mumber niya o beeper number niya
Nakalimutan kong sabihin ang pangalan ko at ang bayan ko
Nakalimutan ko nakalimutan ko nakalimutan ko pati bayad ko

Miss miss sa loob ng jeepney
Sana naman akoy bigyang pansin
Miss miss sa loob ng jeepney
Sana naman akoy bigyang tingin
Miss miss sa loob ng jeepney
Sana naman ako'y kausapin
Miss miss sa loob ng jeepney
Pamasahe mo'y aking aabutin

Paano kita hahanapin paano kita hahagilapin
Eh hinabol ako ng driver na sinakyan natin
Kaya, kaya, kaya, kaya
Nag 1-2-3 ako takbo na
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Miss Miss Sa Loob Ng Jeepney Lyrics

Grin Department – Miss Miss Sa Loob Ng Jeepney Lyrics