Magandang umaga
Bakit gising ka pa?
Ilang tasang kape ang nainom mo?
At dilat pa ang 'yong mga mata

Sa dami ng 'yong ginagawa
Wala ka na bang oras na magpahinga?
Palibhasa kasi inuna mo pa siya

Tama nang pagbabasa
Ng kanyang mga sulat at tula
Buksan mo nalang ang pahina
Alas ocho na ng umaga
At may pasok ka pa

Galing sa eskwela
Ika'y nakatulala, naluluha
Pumipikit pikit ang mga mata
At nanghihina

Sa dami ng 'yong gnagawa
Di akalaing siya pala'y makikita
Palibhasa kasi nakasalubong mo pa siya
At may kasama nang iba

Tama nang pagbabasa
Ng kanyang mga sulat at tula
Buksan mo nalang ang pahina
Alas ocho na ng umga
At may pasok ka pa

Kalimutan nalang lahat ng kanyang binitawang salita
Mas mabuti pang mag-aral kesa maniwala sa kanya

Tama nang pagbabasa
Ng kanyang mga sulat at tula
Buksan mo nalang ang pahina
Alas ocho na ng umaga...
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Tama Na Lyrics

Gracenote – Tama Na Lyrics