Napanganga nang ika'y unang makita
Naakit sa perpekto mong mata
Tumibok ang puso ko nang malala
Maya-maya ay nagulat, kaharap na pala kita.

Refrain:
Biglang natulala nang nakausap ka
'Di ko namalayang nahuhulog na pala
Dibdib ay sumikip, ako'y napapikit
Pagmulat ko'y makulay na paligid.

Chorus:
Sa sariling mundo ko, hawak ko ang 'yong kamay
Magkasalo sa pagkain at sa pagtulog ay sabay
Parang cotton candy sa sobrang tamis
Araw-araw ay ikaw lang ang mami-miss
Sa sariling mundo ko na umiikot lamang sa'yo

Napanganga nang ika'y muling makita
Pinagmasdan ang perpekto mong mukha
Feeling ko ako si Alden, at ikaw si Yaya Dub
Kailan ba masasabing sa'yo ako'y inlove?

(Repeat Refrain)

Chorus II:
Sa sariling mundo ko, magka-loveteam tayo
'Wag mag-alala dahil pagmamahal ay totoo
Ako si Daniel at ikaw si Kathryn
Ako si James Reid at ikaw si Nadine
Dito sa mundo ko, ikaw lamang ang para sa akin.
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Sa Sariling Mundo Ko Lyrics

Gio Mendoza – Sa Sariling Mundo Ko Lyrics

More Gio Mendoza lyrics