Kanina pa ako nagbabantay
Di ka naman sumusulpot
Kanina pa ako naghihintay
Marinig ang iyong pot-pot-pot

Taho, taho, taho, taho

Ako'y pinaglihi sa sago't arnibal
At pinalaki sa patakal-takal
At tinutukso na anak ng tokwang

Taho, taho, taho, taho

Kung nandiyan ang tatay ko
At mayrong mahihingan
Di ka naman naglalako
Di ka naman dumadaan

Taho, taho, taho, taho

Bakit ba kasi di ka sumisikat
Bakit ba kasi di ka kumakalat
Ang mga tindahan di nagtitinda ng

Taho, taho, taho, taho
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Taho Lyrics

Gary Granada – Taho Lyrics