Di ko maikakaila ang pag-aalala
Na sa tuwi-tuwina'y dala-dala
Nangangamba, nangangamba
Na baka mapahamak ka

Dapat sarilinin ko na lang
Kayrami-rami mong pasan-pasan
Baka lalo ka pang mabibigatan

Itatago ko ang aking kaba
At ikukubli ang pangangamba
Ngunit sa dilim
Ay napapansin mo ang takot ko

Ang dinadaing ko'y para sa iyo
Ang unti-unting matutunan ko
Paano mahalin
Paano mahalin ang katulad mo

Di ko maikakaila ang pag-aalala
Ngunit di ba mas mahalaga
Ang dinggin ka, intindihin ka
Samahan ka sa bawat pasya

Paano ba ako makakagaang
Paano ba ako makakatuwang
Paano kung ako ay nasasaktan

Itatago ko ang aking kaba
At ikukubli ang pangangamba
Ngunit sa dilim
Ay napapansin mo ang takot ko

Ang dinadaing ko'y para sa iyo
Paano ba ako makakagaang
Ang unti-unting matutunan ko
Paano ba ako makakatuwang
Paano mahalin
Paano mahalin ang katulad mo

[Interlude:]

Paano mahalin
Paano mahalin ang katulad mo...
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Paano Mahalin Ang Katulad Mo Lyrics

Gary Granada – Paano Mahalin Ang Katulad Mo Lyrics