Siya'y aking kapiling sa kabiguan at tagumpay
Sa kanyang piling ako ay nahihimlay
Nakakaunawa sa aking pagkukulang
Nakakahawa ang kanyang kagandahan

Ngunit di lang siya kaibigan
Di lang siya kapatid
Di lang kasintahan o kaisangdibdib
Di lang siya asawa o inang uliran
Siya'y aking kasama sa mapagpalayang kilusan

Pinakaiibig, pinakamamahal
Sa aming pag-ibig ang lahat isusugal
Ang aming pangako hanggang kamatayan
Saanman dumako ang kasaysayan

Dahil di lang siya kaibigan...

Siya'y aking kasama sa pagpapalaya ng bayan
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Kasama Lyrics

Gary Granada – Kasama Lyrics