Ang suot niya ay lumang-luma
At ang kanyang mga mata'y malamlam
Banaag mo sa kanyang mukha ang kahirapan
Maghapon siya sa mga daan
Nanghihingi ng kaunting tulong
At madalas n'yo siyang hamakin at libakin

Chorus
Siya ay pulubi, hinahamak ninyo
Siya ay pulubi, tao ring katulad niyo

At pagsapit ng dilim
Wala man lang siyang matutuluyan
Sa lamig ng paligid, walang makublihan
Kailan niyo siya kaaawaan
Kailan niyo siya mauunawaan
'Pag ang lahat ay huli na, siya'y lilimusan

[Repeat chorus twice]
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Pulubi Lyrics

Freddie Aguilar – Pulubi Lyrics