Anak pawis ang tawag sa akin
Ako raw ay basahan
Dahil ba ako ay mahirap lang
Kaya ako ginaganito
Tingin sa akin ay hindi tao
Pinaparis sa isang basahan

Madalas akong alipustain
Pagkat ako'y anak pawis lang
Di man lang nila iniisip
Na ako ay nasasaktan

[Chorus]

Sana ay buksan ninyo
Ang nagdidimlang isipan
Mahalin sana ang inyong kapwa
Pang aapi inyong limutin

Minsan ako'y naglalakad
Lumang gitara ko'y tangan
Ako'y kanilang ipinagtulakan
Pulubi daw ay di nila kailangan
Di ko sila maintindihan
Ba't ako'y ginaganito
Dahil ba ako'y mahirap lang
Anak pawis kung ako'y turingan

[Repeat Chorus]3x
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Anak Pawis Lyrics

Freddie Aguilar – Anak Pawis Lyrics