1st VERSE:
Pare ko meron akong problema
Wag mong sabihing na naman
In-lab ako sa isang kolehiyala
Hindi ko maintindihan

1st BRIDGE:
Wag na nating idaan
Sa maboteng usapan
Lalo lang madaragdagan
Ang sakit ng ulo at bilbil sa tiyan

2nd VERSE:
Anong sarap
Kami'y naging magkaibigan
Napuno ako ng pag-asa
Yun pala haggang dun lang ang kaya
Akala ko ay pwede pa

2nd BRIDGE:
Masakit mang isipin
Kailangang tanggapin
Kung kelan ka naging seryoso
Saka ka niya gagaguhin

CHORUS:
O, Diyos ko, ano ba naman ito
'Di ba, 'lang hiya, nagmukha akong tanga
Pinaasa niya lang ako, lecheng pag-ibig to
Diyos ko, ano ba naman ito

3rd VERSE:
Sabi niya ayaw niya munang magkasyota
Dehins ako naniwala
Di nagtagal, naging ganun na rin ang tema
Kulang na lang ay sagot niya

3rd BRIDGE:
Ba't ba ang labo niya
Di ko maipinta
Hanggang kelan maghihintay
Ako ay nabuburat na

CODA:
Pero minamahal ko siya
Di biro, T.L. ako sa kanya
Alam kong nababaduyan ka na sa mga sinasabi ko
Pero sana naman ay maintindihan mo

4th VERSE:
O pare ko {o pare ko}, meron ka bang maipapayo
Kung wala ay okey lang {kung wala ay okey lang}
Kailangan lang {kailangan lang} ay ang iyong pakikiramay
Andito ka ay ayos na {andito ka ay ayos na}

2nd BRIDGE:
Masakit mang isipin
Kailangang tanggapin
Kung kelan ka naging seryoso
Saka ka niya gagaguhin

CHORUS:
O, Diyos ko, ano ba naman ito
'Di ba, 'lang hiya, nagmukha akong tanga
Pinaasa niya lang ako, lecheng pag-ibig to
Diyos ko, ano ba naman ito

CHORUS:
O, Diyos ko, ano ba naman ito
'Di ba, 'lang hiya, nagmukha akong tanga
Pinaasa niya lang ako, lecheng pag-ibig to
Diyos ko, ano ba naman ito
Mail  |  Print  |  Vote

Pare Ko Lyrics

Eraserheads – Pare Ko Lyrics