Nang dinurog ko para sa'yo, aking mahal, kailan pa man, ako'y maghihintay
Ang aking hiling, ako ay mapansin, aking mahal. Kailan pa man, ako'y maghihintay...

Tanging pag-ibig ko sayo sinta ay nakaabang sakali mang saktan ka niya ako'y naririto lang
At 'pag dumating ang araw na kailangan ng karamay halikana sa piling ko iabot mo ang yong kamay
Unti-unti nating baguhin ang takbo ng mundo
Dulo ko ang pag-ibig ko sinta ay para sayo
Upang pawiin nating ang mga problemang dala na dulot ng nakaraan habang kapiling mo sya
Ngunit pag-ibig kong ito sayo'y handang maghintay asahan mo sa piling ko hindi ka na malulumbay
Sabay nating dalawang pigilin ang takbo ng oras
Ako'y sayo't ika'y saakin mundo ma'y magwakas

Aking pag-ibig sinta na para lamang sayo, tanging hiling ko lang naman sana ay tanggapin mo
At umaasa na balang araw ay mapapasakin kahit marami mang hadlang, lahat ay kakayanin
Kung pwede ko lamang diktahan lahat ng iyong desisyon, at sasabihin sa'yong puso na sakin lumingon
At alang-alang lang sayo, handa akong maghintay, kahit masakit kong makikitang hawak ang iyong kamay
At kadalasan sa eskwela kapag nasisilayan, mundo'y sadyang humihinto tuwing ikaw ay daraan
At ang awitin na ito sinta'y sayo'y aalay, dahil si renzhel ay handang handa sayo'y maghintay.

Ako'y maghihintay hanggang sa mapasakin ang oras at pagmamahal tuluyan mong isalin
At pangako ko naman sa'yo na di ko sasayangin ang pagkakataong itong matagal ko nang dalangin
At kapag dumating naman ang araw na iwanan ka niya, nandito lang ako, mata'y di na muling luluha
At aaminin ko sa'yo ika'y minamahal ko, kapag nakita na kita mundo'y napapahinto

At 'pag ika'y aking katabi, hindi ko mapigilan, parang gusto ko nang sabihin ang nararamdaman
Mahal kita, alam mo ba? Kahit maraming hadlang. Dahil si handa kang ipaglaban.

Nang dinurog ko para sa'yo, aking mahal, kailan pa man, ako'y maghihintay
Ang aking hiling, ako ay mapansin, aking mahal. Kailan pa man, ako'y maghihintay...

Nandito lang ako na sayo'y naghihintay, ang pagmamahal kong 'to, sa iyo'y ibibigay
Kahit meron ka nang... Ibang kapiling, kahit na masakit sa 'king damdamin...
Ikaw lang ang tibok ng puso at hanap ng aking sarili, kahit na masakit isipin na iba ang iyong katabi.
Tanging hiling ko lang naman ako'y iyong mapansin baka sakali lang naman na ako'y iyong
Mahalin. Gusto ko na nga sanang aminin ang nadarama sa'yo na matagal na talaga akong sa'yo
Ay may gusto ang nais ko lang naman na ako ay mapansin at ako ay mabigyan mo ng kahit konting
Pagtingin.

Sana'y iyong malaman, na kahit minsan lamang, ang tunay kong nadarama
Kahit alam ko nang mayron ka ng iba

Nang dinurog ko para sa'yo, aking mahal, kailan pa man, ako'y maghihintay
Ang aking hiling, ako ay mapansin, aking mahal. Kailan pa man, ako'y maghihintay...

Nang dinurog ko para sa'yo, aking mahal, kailan pa man, ako'y maghihintay
Ang aking hiling, ako ay mapansin, aking mahal. Kailan pa man, ako'y maghihintay...
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Ako'y Maghihintay Lyrics

Emhershan Production – Ako'y Maghihintay Lyrics

More Emhershan Production lyrics